yay! birthday celebration ko with DESPE. ayun ayun kumain kami sa Kenny Rogers.

grabe nakakabusog. may natirang 2 piraso ng chicken kasi hindi na talaga kinaya.

ayan as usual picture picture. nakakatawa to kasi nagkakapareho kami ni charl sa ilang mga pose.


pagkatapos sa Kenny, kinailangang umalis nina Charl at Xuu sandali. tas kami ni Jane tambay tambay muna. dun kami sa fullybooked nagstay at nagkwento ako ng obsession ko sa TVD at sa Klaroline. tas after mga isang oras siguro naglibot na kami. tas nilibre ko sya ng frap. oha yaman ko. chos!
tas ayan movie time! nanuod kami ng The Vow. grabe ang ganda, kakaiyak! tas kumain din pala kami ng yellow cab pizza. bitin nga lang. sana yung 14” nalang yung pinabili ko

ayan picture picture ulit sa salamin. nakakatawa nakita namin yung isang teacher namin nung elem. kung ano ano pinagsasasabi namin sa kanya yun pala nasa labas lang siya ng CR. lol buti di nya narinig XD
tas ayun may regalo pala yung 3 sakin :) isang damit! (nagamit ko na ysa. maganda btw) dapat daw libro yung bibigay nilasakin ee kasodi nila makita sa fullybooked. yun pala natakpan ng isang book sa shelf (ako yung naglagay dun. haha malay ko ba na bibilhin nila dapat yun)

at dumating din pala si kuya MJ. yay may picture kaming apat. agaw eksena pa sa gitna ng the block kasi talon kami ng talon dun XD

at eto pinaka gusto ko. hehe mula sa Forever 21. cute lang :)
