Let's Roll!

December 23rd

wala lang. lumabas lang kami dahil break na :)

dahil may class pa si charl hanggang 2, nauna na kaming tatlo. so nagbrowse muna kami sa mga bookstore kasi bibili kami ni Jane ng libro.

at dahil 4 pa yung start mg movie at wala pa din si Charl, bumili na kami ng snacks. ang mahal kasi pag sa sinehan kami mismo bumili.

pagdating ni charl, may isang oras pa kami bago yung movie, pero sobrang pagod na kaming tatlong magikot. kaya tambay nalang muna.

ayun. New Year’s Eve ang pinanuod namin. ok naman sya. ang cute ng movie kaso sa sobrang dami ng starring, ang onti ng air time nung iba, tas medyo nakakalito yung kwento. pero ang daming gwapo gaya ni Ashton Kutcher, Josh Duhamel at Zac Efron kaya nakakatuwa!

hayy medyo bitin. kinailangan umuwi agad ni Xuu. di kami nakapag picture sa may sky garden. pero ayos lang kasi pang Christmas yung designs dun ee bawal sila sa ganun :)

sa uulitin Despe. mamumulibi tayo next year dahil sunod sunod ang gusto nating mga movie.. The Vow sa birthday ko aa. tas The Hunger Games sa march at Titanic 3D sa April. kailangan na nating magipon xD


posted 5 months ago with 3 notes
  1. emamao posted this